760

Dec 19, 2017 @ 13:41
By

Sam Pinto at football player BF, nagpakasaya sa Indonesia

Napuno ng tamis ang Bali, Indonesia sa lampungan at lambingan ng sexy actress na si Sam Pinto at ng kanyang Philippine football team member boyfriend na si Misagh Bahadoran.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Sam ang magkayakap nilang photo ng boyfriend habang nakalublob sila sa pool, sa isang resort sa Bali.

Malinaw ang tubig kaya makikitang nakasakay si Sam sa harapan ng kasintahan at naka-angkla ang kanyang mga kamay sa likod nito.

Hawak-hawak naman ng boyfriend niya ang kanyang mga legs sa ilalim ng tubig.

Super loving-loving sa Bali ang magkasintahan sa Bali.

Naka-bathing suit naman si Sam at board shorts si Misagh kaya masasabing wholesome pa rin ang photo na ito para sa mga nakakakita.

@sampinto, “Finally out of town trip with this busy one! @misagh_9.”

Hindi rin naman nagpatalbog si Misagh sa kanyang Instagram wall at nagposte ng picture gallery nilang dalawa na magkasama ni Sam sa iba’t ibang pagkakataon at okasyon.

Ang picture tribute ni Misagh kay Sam ay para batiin ng kaarawan ang kanyang girlfriend.

“Barbie” ang tingin ni Misag sa aktres at sinabi pa nitong siya na ang pinaka-masuwerteng lalake sa buong mundo dahil na-inlove sa kanya si Sam.

Si Sam raw ang nagbigay ng magagandang moments sa kanyang buhay kaya nagpapasalamat ito sa kasintahan.

@misagh_9, “On this day was born one beautiful Barbie, and fortunately she fell in love with me and made me feel like the luckiest guy in the world. Thank you for all the good moments that you brought into my life. Happy birthday, love and I wish you all the best @sampinto_love you.”

Matagal na rin ang relationship ni Sam kay Misagh at palagi sa tuwing magpu-post ito ng mga photos nilang dalawa hindi puwedeng hindi kainggitan dahil palagi silang naglalambingan.

Candidate na rin ang dalawang ito sa engagement kung ang pagbabasehan ay ang tatag ng kanilang pagmamahalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?