56

Mar 8, 2021 @ 22:00
By

Sam Pinto, Anthony Semerad kasal na!

Ikinasal na sina actress Sam Pinto at PBA player Anthony Semerad.

Nitong Lunes sa Instagram Story, nag-post si Anthony ng photos ng kanilang wedding venue at video ni Sam na nakasuot ng white dress.

Na-engage ang dalawa noong November 2019 matapos ang mahigit isang taong relasyon.

Bago nito ay nag-post sila ng mga larawan sa kanilang prenup shoot.

“Today is the day! Marrying my best friend @sampinto_ ,” sabi ni Anthony.

“Countdown to 03.08.21 OMG BUKAS NA!!!!! Finally after a year of planning… Part 1 of our wedding is happening tomorrow!!! Part 2 is happening on December when (hopefully) our family and friends can fly here with less hassle and stress,” sey naman ni Sam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?