10

By

Sam Milby, enjoy na kinaiinisan dahil sa ‘Halik’

Sharing is caring!

Masaya ang aktor na si Sam Milby sa pagiging “hit” ng Kapamilya serye na “Halik” kung saan ginagampanan niya ang karakter na si Ace na labis na kinaiinisan ng mga manonood dahil sa pangangaliwa nito sa kanyang asawa.

Ani Sam, enjoy siya sa kanyang pagganap bilang Ace sa kabila ng mga nababasa niyang komento ng mga netizen sa social media na kinamumuhian siya sa kanyang role.

“I just read it. I’m happy about it because ibig sabihin effective, ‘di ba?” aniya.

Masaya umano siya na naaapektuhan ang mga manonood sa kanyang karakter dahil sa mahusay niyang pagganap.

“People are just venting out their frustrations about the show, sometimes attacking me as a person, not a character. But yeah, I’m happy that people are affected,” dagdag pa ni Sam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,