16

By

Sam Mangubat bibida sa first solo concert sa Music Museum

Sharing is caring!

Ipapakita ni Sam Mangubat ang kanyang husay bilang performing artist sa kanyang unang solo concert na “I Am Sam” na gaganapin sa Setyembre 15 sa Music Museum.

Matapos makilala sa angking talento sa parehong pagsayaw at pagkanta sa ‘Tawag ng Tanghalan’, handa nang ipakita ni Sam ang kanyang superstar potential sa iba’t ibang sorpresang handog niya sa fans sa kanyang concert.

Makakasama niya bilang special guests ang kapwa ‘Tawag ng Tanghalan’ finalist at Star Music artist na si Marielle Montellano, at sina Bryan Chong, Nyoy Volante at Yeng Constantino sa espesyal na performances.

Bago hiranging runner-up sa unang season ng kompetisyon, nakilala si Sam sa Youtube bilang online sensation dahil sa kanyang song covers. Matapos ito, naging certified hit recording artist si Sam para sa kanyang unang single na “Pagka’t Nariyan Ka” na naging numero uno sa record charts ng iba’t ibang radio stations.

Si Sam ang kasalukuyang host ng online show na “TNTV Now” at siya ring kauna-unahang artist mula sa “Tawag ng Tanghalan” na magkakaroon ng kanyang unang solo concert.

Panoorin na ang “I Am Sam” at bumili na ng tickets na nagkakahalagang P3,500 para sa VIP center na may kasamang meet-and-greet session, P2,800 para sa VIP, at P1,500 para sa Gold.

Mabibili na ito sa SM Tickets. Tawagan lamang ang 470-2222 o mag-log on sa smtickets.com

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?