45

Jul 15, 2020 @ 16:08
By

Sam dedma kay Clint

Ilang oras matapos magparamdam si Clint Bondad kay Sam Milby, nag-post sa social media ang huli.

Isang video kung saan kasama ang dyowa niyang si Catriona Gray, na dating girlfriend ni Clint nang 6 na taon.

Matatandaang sa naunang Instagram story ni Clint, binahagi nito ang message niya kay Sam na, “Want to become my client?”

Nilagyan niya pa ng story caption na, “How about we have a little chat”

Makalipas ang ilang oras, parehong pinost nina Cat at Sam ang video ng fundraiser ng beauty queen na #PassTheKindness.

Sa video, makikitang kasama si Milby sa mga namimigay ng sako-sakong bigas sa mga pamilya sa Tondo, Manila.

“Thanks for being so supportive of my @youngfocusph family,” komento pa ni Gray sa IG post ni Milby.

Samantala, matapos ang ilang araw, nag-post ulit ng IG story si Bondad, may caption na “Oh no,” at may mensaheng “Your rate shall increase after 5:30” para kay Sam.

Hindi pa rin nagsasalita si Milby tungkol sa mga paramdam ng ex-boyfriend ni Cat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?