174

Sam Concepcion, Kiana Valenciano hiwalay na!

Kinumpirma ni Sam Concepcion na nag-break na sila ng girlfriend na si Kiana Valenciano, ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Sa isang panayam nu’ng una ay ayaw amining ng young singer-actor na sila ay hiwalay ni Kiana. Pero, kalaunan ay bumigay din siya.

Ayaw sabihin kung kelan sila nag-break ng girlfriend. Pero, itinanggi niyang walang third involve sa kanilang relasyon.

May communication pa rin naman daw sila dahil pareho daw ang kanilang mga kaibigan.

Ayon kay Sam nasa healing process pa raw siya hanggang ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?