crime-scene-
By

‘Salvage’ victim, natagpuan sa Makati

Sharing is caring!

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Makati City Huwebes ng gabi.

Nakabalot ng duct tape ang ulo at nakatali rin ang mga kamay ng biktima na natuklasan na may mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa Makati City Police, 10:50 ng gabi ng Huwebes nang iulat sa kanila na may natagpuanh bangkay sa kanto ng Medina St. sa Barangay Pio del Pilar.

Kasamang narekober ng pulis sa lugar na pinag-iwanan sa labi ang 11 basyo ng bala.

Dinala na sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima umano ng pamamalaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?