206

Jul 28, 2021 @ 11:29
By

Salvador Panelo ‘wag iboto, isa siyang “clown” – Enhcong Dee

“[N]ever vote for this kind of clown… ever.” Ito ang tahasang sinabi ni Kapamilya star Enchong Dee sa kaniyang tweet na may litrato ni dating presidential spokesman Salvador Panelo.

Kaugnay ito sa naging pahayag ng Presidential Chief Counsel noong 2019 na kabilang umano si Olympian gold medalist Hidilyn Diaz sa kanilang druglist.

“Ms. Hidilyn, our intelligence report is very credible, kasama ka sa druglist,” sambit niya kasabay ng pagkakadawit din noon ng 30-anyos na weightlifter sa Oust Duterte Matrix.

Ngunit nito lamang Lunes, Hulyo 26, sinabi niya na matagal nang nakasuporta ang Duterte administration sa atleta.

“Congratulations Ma’am Hidilyn for the gold. [T]he Duterte Administration always extend its support to you!” anang Presidential Chief Counsel.

Nito lamang Lunes nang masungkit ni Hidilyn ang unang Philippine Olympic gold medal matapos manguna sa Weightlifting sa ilalim ng 55-kg category sa Tokyo Olympics 2020. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?