107

Oct 17, 2017 @ 17:31

Saluduhan ang mga sundalo sa Marawi – Erap

Nararapat umanong pagkalooban ng pagpupugay ang mga sundalong nakikipag-bakbakan sa mga terorista sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na dati ring nagsilbing Commander-in-Chief ng bansa nang mamuno sa bansa bilang pangulo.

Ang pahayag ni Erap ay kasunod nang pagkakapaslang ng dalawang lider ng Teroristang Grupong Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon at Omar Maute ng Maute Terror group.

Ayon kay Estrada, pati mga pulis na nagbuwis din ng buhay para supilin ang terorismo sa Marawi City kaya’t dapat bigyan ang mga ito ng pagkilala.

Dagdag pa ng dating pangulo, tama ang naging hakbang ni Presidente Duterte na pulbusin na ang mga kalaban sa Marawi City sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng panahalaang Lungsod ng Maynila kung anong ayuda ang kanilang maipagkakaloob sa Marawi City ngayong idineklara na itong malaya sa terorismo ni Pangulong Duterte.

Maari aniyang bumalangkas ng ordinansa ang konseho ng Lungsod ng Maynila para sa karamparang maibibigay na tulong para sa rehabilitasyon ng Marawi. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?