238

By

Saludo kay Fajardo, Norwood, Amer

Sharing is caring!

Marami ang sumaludo at humanga sa kalmadong pinakita nina June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer sa riot na nangyari sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers match ng Gilas Pilipinas at Australia.

Matapos ang gulo sa Philippine Arena sa Bocaue Lunes ng gabi, naubos ang lineup ng Gilas. Ni-review ng referees sa OB van sa labas ng arena ang insidente, natigil ng halos 30 minutes ang laro.

Pagbalik ng game officials, binaba ang hatol at binigwasang disqualifying foul sina Roger Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario, Matthew Wright, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Terrence Romeo, Japeth Aguilar at Andray Blatche.
Sa panig ng Australian, talsik sina Daniel Kickert, Chris Goulding, Thon Maker at Nathan Sobey.

Kita sa video na nagpipigil ang mga nasa bench ng Boomers, nagtayuan lang pero walang sumugod para makialam sa away. Mga nasa loob lang ng court ang nasangkot sa rambulan.

Naiwan sa Pilipinas sina Fajardo, Norwood at Amer, hindi nakisali sa gulo.
Kahit tatlo na lang ay itinuloy ang nalalabing 4:01 ng third.

Nagmamadaling sinadya ni Fajardo na makuha ang fifth foul para makalabas na, sumunod ang dalawa ni Norwood, fouled out na din. Naiwang mag-isa si Amer, tinigil na ang laro at binigay ang panalo by default sa Australia. Napako ang iskor sa 89-53 Boomers, 1:57 sa third.

“Saludo kay June Mar Fajardo, Gabe Norwood and Baser Amer!” tweet ng Gilas Pilipinas (@smartgilasph).

Sa Twitter, marami ang humanga sa kakalmahan ng tatlo. Habang nagkakagulo, si Amer lang ang naiwan sa bench. Siya din ang last Gilas man standing sa court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?