106

Jul 28, 2018 @ 14:03
By

Saludar lumuhod via TKO kay Japanese Sho

Nabigo si Pinoy boxer Froilan Saludar sa kaniyang misyong maging world champion matapos siyang patumbahin sa 6th round via TKO ng Japanese na si Kimura Sho sa Qingdao,China, Biyernes ng gabi.

Plano pa man din ng pambato ng South Cotabato na makilala ang Saludar brothers sa Philippine boxing history bilang reigning world titles sa parehong taon.

Kamakailan lang nang masungkit ng kaniyang nakababatang kapatid na si Vic ang WBO minimumweight belt sa Japan.

Nagpakita ng impresibong aksiyon si Saludar sa una at pangalawang rounds pero hindi nagpadaig ang reigning WBO flyweight champ na si Sho at nagpaulan ito ng tatlong knockdowns kay Saludar, isa sa 5th round at dalawa sa 6th dahilan para itigil na ng referree ang suntukan sa natitirang 0:54 segundo.

Bumaba ang boxing record ng 29-anyos na si Saludar na may 28 wins, 3 losses, 1 draw, 19 KOs.

Umakyat naman sa 17 wins, 1 loss, 2 draws at 10 KOs ang kay Sho. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?