100

Jun 30, 2019 @ 22:54
By

Saludar idedepensa ang WBO title vs Puerto Rican

Magtutungo ang World Boxing Organization 105-pound champion na si Vic Saludar sa Puerto Rico para sa kanyang pagdedepensa ng titulo.

Itataya ng pinagmalalaki ng Polomolok, South Cotabato ang kanyang world title sa ikalawang pagkakataon para sa isang mandatory defense na tinakda base sa mandato ng nabanggit na professional boxing governing body nito lang Linggo ng umaga.

Makakasagupa ni Saludar ang Puerto Rican challenger na si Wilfredo Mendez ng Puerto. Ang bakbakan ay kinumpirma naman ni Kenneth Rontal, ang manager ni Saludar.

Tapos nitala ang upset para masungkit ang karangalan kontra kay Ryuya Yamanaka ng Japan noong 2018, umiskor si Saludar ng isang unanimous decision win kontra kay Masataka Taniguchi nitong Pebrero.

Asam ng tinaguriang “The Vicious” na maipagpatuloy ang kanyang deretsong pagwawagi at importante ay mapanatili ang kanyang dominasyon sa dibisyon.

Gayunman, matinding hamon ang kinakaharap niya sa katauhan ni Mendez na biibit ang 13-1 record, nat may 5 knockouts.

Nasungkit ng 22-anyos mula sa Trujillo Alto na si Mendez ang title shot sa tulong ng apat na sunod na panalo. Una nitong nakopo ang bakanteng WBO NABO kontra Axel Aragon Vega bago naipagtanggol sa huling laban.

Muli namang sasagupa sa ibang lugar ang kampo ni Saludar mula sa masusing paghahanda sa GenSan.

“We will be fulfilling our obligations to the WBO. In fact, nag-start na ang training camp ni Vic,” sabi ni Rontal sa panayam ng RealFight. “Dito na namin gagawin buong camp sa GenSan dahil masaya siya at hiyang dito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?