166

Aug 7, 2019 @ 13:20
By

Saludar handang makipagbugbugan sa Puerto Rican

Handang-handa na sa kanyang paparating na laban ang Pinoy boxer na si Vic Saludar ngayong Agosto 24 sa Puerto Rico.

Babanggain ng Pinoy boxer na may hawak ngayong world minimumweight belt ang Puerto Rican at challenger nitong si Wilfredo Mendez na gaganapin sa Puerto Rico Convention Center.

“We’re very optimistic of this defense because of Vic’s experience and skill level,” ayon sa report sa PhilBoxing.com.

Tinalo ni Saludar sa huli nitong laban ang Japanese boxer na si Masataka Taniguchi na may record na 13-1 win-loss.

Bagama’t ready na sa kanilang laban sa ring, nag-request naman ang manager ng boksinerong Pinoy na si Kenneth Rontal kay World Boxing Organization President Paco Valcarcel na mga neutral na judges at referee ang dapat na mamahala sa boxing upang matiyak na maayos at patas ang bakbakan.

“However, our concern is Mendez’s hometown advantage. We’ve already requested the WBO president (Paco Valcarcel) to provide a neutral referee and neutral judges.” dagdag pa ng manager na si Rontal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?