68
ABANTE Pacquiao Lomachenko boxing
By

Salpukang Pacquiao-Lomachenko niluluto

Sinabi ni Pambansang Kamao Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, Miyerkoles, na nasa estado siya ng pakikipagnegosasyon para sa blockbuster bout kay world champion Vasyl Lomachenko, kinokonsiderang isa sa magaling na “pound-for-pound” fighter ngayon sa mundo.

Ngayo’y 39 na at kahila-hilalas na nagwagi ng walong world professional boxing titles sa gayong karaming weight divisions, natatakam siyang itakda sa Abril ang petsa sa pakikipagbakbakan sa Ukrainian World Boxing Organization super featherweight champ, pahinga siya bilang politiko o senador ng bansa.

“There are negotiations now about the number one pound-for-pound (boxer) which is Lomachenko,” bulalas ni Pacquiao.

“There are still talks on the weight, reducing the weight,” hirit ng tubong Kibawe, Bukidnon, na lumalaban bilang welterweight.

Sinabi ng kampo ni Pacquiao na wala pang napagkasunduang venue at aktuwal na petsa para sa Lomachenko fight.

Rated ng boxing experts bilang world’s top “pound-for-pound” fighter, si Lomachenko, 29, na isang beses pa lang natalo sa 11 pro bouts at lahat ng laban ay naipanalo sa pamamagitan ng knockout.

Naagaw kay Pacquiao ang WBO welterweight title ni Australia’s Jeff Horn nu’ng nakaraang taon. Siya ay may rekord na 59 wins, 7 losses at 2 draws, ay ngayo’y nasa takipsilim na ng kanyang career. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?