138

By

Salpukang Mayweather-Pacquiao II, mapupurnada?

Sharing is caring!

Ilang araw pa lang ang nakalilipas ng muling magkrus ang landas nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao ngunit mukhang mabilis ring nabuhusan ng tubig ang nagbagang balita sa rematch ng dalawa.

Ayon sa artikulo ng local sports site na Spin.ph, muling tatapak ng lona si ‘Pambansang Kamao’, ngunit hindi si Mayweather ang kanyang magiging kasapakan.

Sinabing babalik sa Enero si Pacquiao, pinipili kung 12 o 19, sa Las Vegas na bilang umanong tune-up para naman sa sinabing laban kay Mayweather.

Unang nag-angasan sa kani-kanilang social media account ang dalawang boksingero, maririnig na sinabing ngayong taon umano ang napipisil na paghaharap muli ng dalawa, pinipisil na sa Disyembre, ngunit mukhang hindi ito matutuloy.

Ngunit hindi dapat ilagay sa baul ang tsansa ng paghaharap ng mahigpit na magkaribal dahil sa tinuran ng senador na magkakaroon umano ito ng malaking laban sa Abril o Mayo ng susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?