Salpukan ng trike, bus: Mag-asawa patay

Sharing is caring!

Namatay ang dalawang sakay ng tricycle matapos bumangga ang sinasakyan nila sa isang pampasaherong bus sa bayan ng Catanauan, Quezon Province.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Sancho Manzano ang tricycle niya kasama ang asawang si Celestina sa Barangay Matandang Sabang Silangan dakong alas-11:25 ng umaga nang bumangga sila sa paparating na Barney Bus na minamaneho naman ni Jonathan Lachica.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sinubukang mag-overtake ng tricycle sa isang sasakyan at nabigla na lang sa paparating na bus mula sa kabilang linya.

Dead on arrival ang mag-asawa sa Catanauan District Hospital habang tumakas naman ang driver ng bus na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?