By

Salpukan ng trak at van, 5 sugatan

Sharing is caring!

Lima ang sugatan sa salpukan ng UV Express at trailer truck sa panulukan ng Taft Avenue at Ayala sa Maynila Linggo ng madaling araw.

Nangyari ang aksidente kaninang pasado alas-4:00 ng madaling araw kung saan nawasak ang van at nabasag ang mga salamin.

Sa salaysay ng nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang takbo ng truck at beating the red light pa o tumawid sa intersection kahit nakakulay pula ang traffic light.

Ayon sa isang hindi napagkilalang pasahero, 11 segundo pa na naka-go ang lane nila nang salpukin sila ng truck.

Agad namang naharang siya sa UN Avenue corner Quirino ang truck at kusang sumuko sa mga pulis ang driver na agad na dinala sa Manila Traffic Bureau para imbestigahan.

Samantala, bahagyang natagalan ang pagrescue sa mga sugatan.

Halos isang oras bago dumating ang rescue teams sa lugar. Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero at driver ng van kung saan dinala sila sa Ospital ng Maynila para malapatan ng lunas. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?