514
tnt_dead
Nov 27, 2017 @ 16:07
By

Salpukan ng sports car vs motor, 1 patay

Patay ang motorcycle rider makaraang sumalpok sa isang magarang sports car nang magkasalubungan ang dalawang sasakyan Lunes ng madaling araw sa Ortigas Avenue, Ugong, Pasig City.

Kapwa dinala sa Medical City ang dalawa dahil sa lakas ng pagkakasalpok subalit idinekralang dead in arrival si Jose Romulus Heleno Liberato Penilla, na lulan ng Yamaha Mio dahil sa matinding pinsala sa ul habang sugatan din ang suspek na si Gabriele Veloso y Campos, may ari ng sports car na Subaru Forester wagon.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang 2:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Ortigas Ave. corner Lanuza Ave. Barangay Ugong, Pasig City.

Kapwa bumibiyahe ang dalawa patungong Ortigas Avenue nang biglang lumiko ang sports car ng suspek pakaliwa sa Lanuza Ave. at agad namang sumalpok ang rumaragasang motorsiklo ng biktima sa sports car ng suspek.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon si Penilla at idineklarang dead on arrival sa Medical City ni Dr. Edda Cagas.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa kanya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?