67

Apr 7, 2021 @ 14:24
By

SALN ni Duterte, iba pang opisyal obligadong ilantad sa FOI bill

Ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng matataas na opisyal ng pamahalaan mula presidente, bise presidente, mga mambabatas, miyembro ng Hudikatura, miyembro ng Constitutional Commissions, at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa mga layuning nakapaloob sa inihaing House Bill 226 o Freedom of Information (FOI) Bill ng Makabayan bloc.

Sinimulan na kahapon ng House Committee on Public Information ang pagtalakay sa mahigit sampung inihang Freedom of Information (FOI) bills.

Sa sponsorship speech ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosa, iginiit nito na naturang panukalang batas, minamandato ang pagsasapubliko ng SALN ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan at wala umanong exception sa panuntunang ito at hindi conditional.

Bukod dito, nakasaad pa sa HB 226 ang kahalagahan na ilahad din sa publiko ang mga detalye at kondisyon ng mga pautang na tinatanggap ng pamahalaan at mga kontrata ng mga proyekto – nang sa gayo’y klarong maiimbentaryo ang rekurso ng pamahalaan at maiiwasan ang korapsyon at lobbying.

“We cannot emphasize enough the value of transparency and the people’s right to information – in this age when the cloak of secrecy is casually invoked even on matters imbued with public interest. People are kept in the dark about details concerning the finances of our public officials and about the agreements which they enter into,” ayon kay Brosas.

“In times of grave crisis like the one we are in, transparency is the bare minimum which our officials must faithfully adhere to,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?