32

Sep 9, 2021 @ 14:57
By

SALN ni Duterte hindi ipasisilip ng Ombudsman

Walang plano si Ombudsman Samuel Martires na ilabas ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa magresulta ito sa pagtanggal sa kanya sa puwesto.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations ngayong Huwebes, nagtanong si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kaugnay ng SALN ni Duterte.

“Ang palagi rin kasing sinasabi ng mga tagapagsalita ng Malacañang o ng Pangulo ay nasa Ombudsman na yan…. Yun ang sinasagot nila palagi nasa Ombudsman na yan (at) ang Ombudsman na ang bahalang mag release nyan hindi manggagaling sa amin yan so what is now the take of the Office of the Ombudsman on this Mr. Chair?” tanong ni Zarate.

Sinabi ni Martires na hindi nito lalabagin ang Memorandum Circular no. 1, na kanyang ipinatupad noong Setyembre 2020.

“There are conditions there on when should we release the SALN of a particular government official. In the absence of compliance with any of those provisions we are not going to release the SALN,” sabi ni Martires.

Ayon sa MC 1 ang kopya ng SALN ay ibibigay ng Ombudsman kung ang kumukuha ay ang naghain ng SALN o kanyang kinatawan, korte ang humihingi, o kailangan ito ng imbestigador ng Ombudsman para sa fact finding investigation.

Wala umanong plano si Martires na ilabas ang kopya ng SALN kahit pa siya ay tuligsain o ma-bash.

“In fact public opinion or yielding to public opinion is not part of my job description so I will not yield to public opinion to release the SALN of any official in violation of the very Memorandum Circular no. 1 that I issued, I’m sorry to say that,” wika pa ni Martires. “I am willing to be removed from Office if only to defend the Memorandum Circular that I issued last year your honor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?