52

Salisi Gang tumira sa loob ng ospital ng Maynila

Sharing is caring!

Nanlumo ang isang magulang ng pasyente matapos mabiktima ng Salisi Gang sa loob mismo ng pedia ward sa Ospital ng Maynila.

Ayon kay Maribeth Cabar, residente Brgy. 800 San Andres Bukid, Manila, naka-confine ang kanyang anak sa pedia ward kung saan hindi niya sukat akalain na sa higpit na ipinapatupad ng mga security sa naturang ospital ay may mga nakakalusot parin gumagawa ng masama.

Kuwento ni Cabar, ala 1:45 ng madaling araw nang maganap ang pananalisi ng isa umanong bading habang abala sila sa pag-aasikaso sa pasyente.

Agad naman nilang inireport sa sekyu ang pangyayari at nakita sa CCTV paano isinakatuparan ng suspek ang pagnanakaw.

Kabilang sa nalaman ng bag na tinangay ng suspek ay 1 computer tablet, 2 cellphone at P4,000 cash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?