5
chess
By

Salgados ng CDOC kampeon sa chess

Sharing is caring!

PINAGPAG ni Cagayan de Oro City bet Lennon Hart Salgados si Bacolod City native Jerry Areque para angkinin ang korona sa katatapos na Mayor Christian D. Natividad Non-Master Chess Championship na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kapos ng kalahating puntos papasok ng final round, tinulak ni Salgado ang importanteng panalo upang kapitan sa unahan si Malolos top gunner Karl Victor Ochoa.

Tangan nina Salgado at Ochoa ang tig 6.5 points subalit matapos ipatupad ang tie-break points ay tinanghal na kampeon ang una.

Nagwagi si Ochoa kontra kay Tarrasch Knight Guadalupe Chess Club bet Don Tyrone Delos.

Napako si Areque sa 6.0 points, iskor din na naitala nina Rowel Roque, Jerome Villanueva, Narcisco Gumila Jr. at Prince Mark Aquino.

Si Areque na lagi naglalaro sa Novaliches Novelty Chess Club at Luneta Chess Plaza ang kumuha ng third place pagakaraang pairalin na rin ang TB pts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?