152
sm-san-lazaro
By

Sales clerk kalaboso sa pang-uumit ng bag, T-shirt

Sharing is caring!

Dinakip ang isang sales utility clerk ng isang department store sa lungsod ng Maynila matapos mahuling nagnakaw ng mamahaling produkto sa isang boutique sa loob mismo ng mall na kanyang pinagtatrabahuhan.

Dinala ng arresting officer na si Edralin Valenzuela ng SM City San Lazaro sa himpilan ng Sta. Cruz Police Station (PS-3) ng Manila Police District ang suspek na si Leo Donila, 25-anyos, residente ng Caloocan City, nang maaktuhan sa pagkulimbat ng isang itim na Adidas bag at isang Adidas T-shirt.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO1 Rudolf Niño Fajardo ng Sta. Cruz PS-3, walang maipakitang resibo ang suspek na si Donila nang hingan ito ni Valenzuela sa mga produkto na kanyang tinangkang ipuslit palabas ng boutique ng Adidas.

Dahil sa pangyayari ay nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.

Sinibak na rin sa kanyang trabaho ang suspek dahil sa naturang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?