413

Nov 17, 2021 @ 19:01
By

Sales associate may pa-tribute sa kanyang face shield

Marami ang naaliw sa ginawang pamamaalam ng isang sales associate sa kanyang face shield na dalawang taon niyang ginamit.

Napasaya ni Jonathan Toledo ang mga netizen sa ibinahaging Facebook post kasama ang pinakamamahal at pinakamatatag niyang face shield.

“Almost 2 years din kita nakasama. Kahit pinagtatawanan na tayo ikaw pa rin pinili ko. Salamat sa pagprotekta sa akin. Mwa,” sambit ni Toledo sa post.

Nasa 43K na ang nahakot nitong reactions, 3.1K comments at 36K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?