45

May 21, 2021 @ 15:46
By

Salceda tiwalang maisasabatas ang Center for Disease Control and Prevention

Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang Center for Disease Control and Prevention Act (CDC bill), isa sa mga prayoridad na maisabatas ng administrasyong Duterte.

Kumpiyansa si Albay Rep. Joey Salceda, may-akda ng House Bill 6096 na maisasabatas ang panukala ngayong taon lalo at sinimulan na itong talakayin sa Senado.

Inihain ni Salceda ang panukala noong Enero 2020 o bago pa kumalat ang COVID-19 sa bansa.

Layunin ng panukala na matugunan ang pangangailangan na mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Iminungkahi ni Salceda na ilimita sa communicable disease ang saklaw ng ahensya para nakatuon lamang ang atensyon nito sa mga partikular na sakit.

“There are health crises where cases have the potential to escalate in numbers and scope very quickly, and where coordinated efforts at containment and treatment are required immediately. That will often include law enforcement, community management, and a whole swathe of other disciplines. Clearly, that’s not just a doctor’s specialty anymore. So, we need a more holistic public health preparedness and response framework,” paliwanag ni Salceda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?