61

Jan 10, 2022 @ 15:19
By

Salceda: Presyo ng bilihin tutukoy ng monetary, tax policy ngayong 2022

Ang presyo umano ng bilihin ang magdidikta kung anong monetary at tax policy ang gagawin ng gobyerno ngayong 2022.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, ang mabagal na inflation rate noong Disyembre 2021 na naitala sa 3.6% ay magbibigay ng posisyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang panatilihin ang mababang interest rate sa bansa.

“I don’t expect the BSP to pull out of its low-interest policy anytime soon. In fact, I don’t think there will be any changes during this quarter, and very possibly even the next one,” sabi ni Salceda.

Ang nakikita na lamang umano ni Salceda na magpapabago sa posisyon ng BSP ay ang biglaang paglobo ng inflation rate o bilis ng pagmahal ng mga bilihin.

Paliwanag ni Salceda, inaasahan na aangat ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ng 5/7% ngayong 2022 pero kung ang presyo ng bilihin ay tataas mababalewala rin ito dahil mas lalaki ang gastos ng gobyerno para sa ibinibigay nitong serbisyo samantalang hindi naman tataas ang nakatakdang budget.

“If the next President inherits a low-inflation environment, there will be political space for new taxes, perhaps on luxuries and on the rich,” sabi ni Salceda.

Ang makakapagpanatili umano ng mababang presyo ay ang pagtiyak na dumarating ang suplay.

“If we can keep producers producing and transporters transporting goods, we should see stable prices this year. On the other hand, if we impose unreasonable restrictions, especially on the flow of goods, expect to see prices shoot up, with significant consequences on both monetary policy, real growth, and our ability to raise government revenues this year,” paliwanag ni Salceda

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?