171

Jun 18, 2021 @ 18:30
By

Salceda: Pambayad ng mga contact tracer, health worker pa-expire na

Nanawagan si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda na magpatawag ng special session para maipasa ang panukalang pagpapalawig ng validity ng Bayanihan to Recover As One o Bayanihan 2 law.

Kung hindi ito magagawa, nagbabala si Salceda na mawawala ang mga contact tracer at health care worker na pinapasuweldo sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ang Bayanihan 2 ay mag-e-expire sa Hunyo 30 samantalang ang sesyon ng Kongreso ay magbubukas sa Hulyo 26.

“Without such extension, provinces potentially face a situation of having their contact tracing and healthcare response capacities drastically reduced for at least 26 days during a period of COVID-19 case surges,” sabi ni Salceda.

Ang House Bill 9538 na magpapalawig sa validity ng Bayanihan 2 ay naaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa noong Hunyo 2.

“The extension is a matter of life and death in many communities, as contact tracers and augmented human resources for health (HRH) were hired under Bayanihan 2 contracts that will also expire by June 30,” dagdag pa ni Salceda sa kanyang aide memoire kina Speaker Lord Allan Jay Velasco at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) umaabot sa P18.4 bilyong pondo ang maaaring nag-expire batay sa kanilang datos noong Mayo 31.

Kasama sa mage-expire ang P6.6 bilyon para sa lab testing at HRH, at P873 milyon para sa contact tracing.

Bukod sa Pangulo, sinabi ni Salceda na maaaring magpatawag ng special session ang Kamara at ang Senado batay sa kani-kanilang Rules.

“We can do it as Congress, but it would really be better if the President calls for the special session instead. I am sure he is open, since he has also been closely monitoring our situation in Albay,” sabi pa ni Salceda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?