89

Jan 4, 2022 @ 21:56
By

Salceda nabahala sa system glitch ng PSE

Nagpahayag ng pagkabahala si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda sa system glitch na nakaapekto sa Philippine Stock Exchange (PSE) kaya kinansela nito ang trading ngayong araw.

Bagama’t hindi sangay ng gobyerno ng PSE, sinabi ni Salceda na malaki ang papel nito sa financial system ng bansa.

“I am requesting the Securities and Exchange Commission (SEC) to require the PSE to show cause. I am also requesting the Financial Stability Coordination Council (FSCC) to request the PSE to list actions taken to prevent similar incidents in the future, and to mitigate the risks of such incidents to the overall soundness of the country’s financial system,” sabi ni Salceda.

Kung ang kaparehong insidente ay nangyari umano sa Estados Unidos ay napakalaki ng magiging epekto nito sa kumpiyansa ng mga investor.

“If the difficulties have a malicious source or background, this is, at the very least in consequence, economic sabotage,” dagdag pa ni Salceda.

Hindi pa naglalabas ng detalyadong paliwanag ang PSE sa nangyaring glitch.

“The fact that such incidents can and do happen demands a legal framework embodied in the Financial Consumer Protection Act which I principally authored, which the House approved, and which is pending in the Senate,” wika pa ng solon.

Sa ilalim ng panukala, susuriin ng FSCC at SEC ang panuntuhan ng PSE upang maproteksyunan ang publiko.

“We have to ensure that the rules governing the PSE have the mechanisms necessary to hold accountable parties responsible for these errors, prevent these errors from affecting the broader financial sector, and provide guidelines for recompense of damages sustained by the general public,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?