158

Sep 22, 2021 @ 19:07
By

Salceda: Golf course, subdibisyon buwisan

Upang magkaroon ng pondo ang gobyerno sa pagtatayo ng murang pabahay, iminungkahi ni House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda ang pagpapataw ng buwis sa hindi sulit na paggamit ng lupa sa Metro Manila gaya ng mga golf course at mamahaling subdibisyon.

Ang mungkahi ni Salceda ay kanyang tugon sa panawagan ng Makabayan bloc na patawan ng buwis ang mga bilyonaryo ng bansa.

Paliwanag ni Salceda madalas ay nasa negosyo ang yaman ng mga pinakamayayamang tao sa bansa at kung bubuwisan ito ay lilipat lamang sila sa ibang bansa.

Kaya ang dapat umanong buwisan ay yung bagay na hindi nila maaaring ilipat gaya ng lupa.

“The best way to tax wealth is to tax the inefficient and dysfunctional use of land in this country. The easiest and fairest way to do that is to tax low-density use of land in very high-density areas. That is the case for golf courses and exclusive subdivisions in Metro Manila, especially those for the super-rich,” sabi ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na habang marami ang walang sariling bahay sa Metro Manila ay naririto ang mga golf course at mamahaling subdibisyon na nagdudulot umano ng pagbigat ng daloy ng trapiko, hindi sulit ang paggamit sa lupa na maaaring gamitin sa socialized housing program ng gobyerno.

“The most comparable city when it comes to population density for NCR is Tokyo. To get to a golf course, you have to go to the outskirts of the city center itself. Here, you even have a golf course at the middle of the Metro, where traffic from the North meets that of the South,” punto pa ni Salceda.

Hindi umano pumupunta ang mga working class sa mga golf course pero apektado sila sa dulot nitong trapik at kawalan ng murang matitirahan.

“Let’s earmark provisions towards socialized housing. So that you achieve the policy objectives of the tax on both ends. You punish inequality and inefficiency, and you even out differences in opportunity,” wika pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?