228

Apr 23, 2021 @ 19:36
By

Salceda: Credit rating ng ‘Pinas nakakalakas ng loob

Nagbibigay umano ng lakas ng loob ang magandang credit rating na ibinigay sa Pilipinas ng Japanese debt watcher na Rating and Investment Information Inc. (R&I).

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, ang credit rating ay patunay din na kakayanin ng bansa ang isang ambisyosong vaccination program at pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3.

“This is a crucial vote of confidence. It also indicates that we have some room for fiscal maneuver. We can afford a more ambitious vaccination and relief program, through Bayanihan 3,” sabi ni Salceda.

Ang Pilipinas ay nakatanggap ng BBB+ investment grade credit rating at stable outlook mula sa R&I.

Upang mapanatili ang magandang rating na ito, sinabi ni Salceda na mahalaga na mag-ingat ang gobyerno sa pag-utang at magpatupad ng reporma para matiyak na makakapagbayad ito.

Sinabi ni Salceda na mapopondohan ang Bayanihan 3 sa pamamagitan ng pagpasa ng bagong pagbubuwis sa e-sabong at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) bukod pa sa pagtaas sa dibidendo na ibinibigay ng mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa gobyerno.

“Debt now is interest and principal payments in the future. So, we have to be careful, only borrowing what we can confidently pay. At the same time, we can borrow more now if we prepare the reforms needed to help pay our borrowings. As long as the reforms are strong, we will be alright,” paliwanag ni Salceda.

Dapat din umanong pag-isipan ang pagbibigay ng cash incentives sa mga magpapabakuna.

“We need to extend cash aid, because it helps people stay home and comply with COVID standards. I also suggested that we give cash incentives for getting vaccinated, because it will cost you one or two days of queuing and rest,” wika pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?