104

Nov 28, 2019 @ 14:05

Salceda ‘canceldt’ na kay Agot Isidro

Hindi natuwa si Agot Isidro sa pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi paiimbestigahan sa Kamara si House Speaker at PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee) Chairman Alan Peter Cayetano ukol sa mga kontrobersiya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

“Siyempre Speaker namin ‘yan at tutulungan namin ‘yan,” ani Salceda sa isang news forum sa Maynila kahapon.

“Of course we will try to save our king. We will circle the wagons around our Speaker. We will support our Speaker. We are all doing our own bit,” dagdag pa niya.

Dahil dito, pinaalala ni Agot na dapat taumbayan ang pagsilbihan ng mga public official at hindi lamang iisang tao.

Sinabi rin niyang “canceldt” o kanselado na para sa kanya ang mambabatas.

“Reminder lang po. Service to the Filipino people po,” tweet ni Isidro ngayong Huwebes.

“Kaya po kayo tinalaga sa posisyon nyo. At hindi para magsilbi sa isang tao. #canceldtka,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?