276

Dec 21, 2017 @ 19:46

Salary increase ng Sundalo, Pulis dapat din sa Teachers at Nurses

Patapos pa lang ang taon ay meron nang magandang bukas na maaaring asahan ang ating mga kasundaluhan, kapulisan at lahat ng uniformed personnel (MUP) sa darating na 2018.

Sa pinag sanib o Joint Resolution No. 9 ng Kamara at Senado, ang base pay ng mga sundalo at kapulisan ay madaragdagan ng hanggang 100 porsiyento nitong darating na taon. At hindi naman malayo na ito ay maipasa agad at maipatupad ngayong 2018.

At dahil dito, kakailanganing mag laan ang gobyerno ng P70 billion kada taon para matustusan ang pondo ng taas sweldo.

Ibig sabihin nito, sa bawat pisong net collection ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), mga 70 centavos ay mapupunta sa dagdag sweldo.

Ang pag taas ng sweldo na ito ay nararapat lang naman na ibigay natin sa mga kinokonsidera nating bayani ng ating bansa. Sila ang siyang nilalagay natin sa ‘frontline’ ng giyera laban sa mga terorista. Sila din ang pinangbabala natin sa mga krimen sa ating mga siyudad. Kaya masasabi nating deserve nila ang salary adjustments na ito.

Ito ay hindi naman suhol ng gobyerno sa kanila. Kung tutuusin, kulang pa ito pero malamang hanggang dito lang ang kaya ibigay ng ating pamahalaan sa ngayon.

Ang JR9, kapag naisabatas at naipatupad, ay mag bibigay daan para ma doble ang base pay ng isang Private Military Officer sa Department of National Defense (DND), Police Officer 1 sa Philippine National Police (PNP), at mga equivalent na ranggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Public Safety College (PPSC), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Sa ngayon, ang basic pay sa ganitong mga posisyon ay nagkakahalaga lamang ng P16,291 kada buwan. Pero dahil sa JR9, tataas ng hanggang P29,668 kada buwan ang kanila basic salary.

Ang salary adjustments na ito ay magre-resulta sa 58.7 na porsyento ng average increase para sa lahat ng MUP kapag ang JR 9 in effect na.

Ang Joint Resolution na ito sa ngayon ay aprubado na ng Senado.

Samantala, habang tayo ay sumasang-ayon sa pagtaas ng sweldo ng mga MUP, umaasa din ako na kasunod nito ay magkakaroon din ng pagtaas ng basic pay para sa mga (Filipino na) guro, nurse, doctor, scientists, at iba pang nasa likod ng bayan.

Kung deserve ng mga kapulisan at sundalo ang salary adjustment dahil sila ang pambala natin sa giyera, nararapat lang din naman na ma-enjoy ng mga guro at nurses ang taas sweldo na ito dahil sila din at maituturing natin na bayani.

Ang mga guro at siyang nasa frontline ng gera labas sa illiteracy problem ng ating bansa. Ang mga nurses naman ay siyang katulong ng gobyerno sa pag laban sa giyera laban sa samu’t saring deceases.

Isa sa patakaran sa pag-adjust ng sweldo at ang pantay na salary increase para sa uniformed at civilian government workers.

Kay kung ang isang Police Office 1 ay makakatanggap ng 100 percent na basic pay adjustment, dapat din ang mga teacher, nurses at mga nabanggit nating workers sa likod ng gobyerno na level one ay maka tanggap din ng katulad na benepisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?