48
salary
May 24, 2018 @ 19:36
By

Salary hike inihirit ng labor groups dahil sa taas ng bilihin

Nananwagan ang isang malaking organisasyon ng mga manggagawa sa bansa sa National Wage Board na magsagawa ng emergency meeting para pag usapan ang epekto ng pagtaas ng mga bilihin.

Sa pahayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Phils. (ALU-TUCP) dapat ang lahat ng wage boards ay seryosong ikonsidera ang pagbibigay ng umento sa mga manggagawa.

Paliwanag ni ALU-TUCP Vice President Gerard Seno dapat ideklara ng 17 regional wage boards na may sapat na dahilan para pagbigyan ang mga panawagan ng across-the-board wage increase.

Giit nito nakakaalarma na ang pagtaas ng mga bilihin at hirap na hirap na mga ordinaryong manggagawa.

“The 17 regional wage boards nationwide should meet and convene voluntarily and declare the existence of supervening conditions that warrants a granting of across-the-board wage increases nationwide,” sabi ni Seno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?