30

Jun 22, 2021 @ 12:34
By

Salarin sa pagbomba at pagsunog ng bus, nadakip na

Naaresto na ng mga awtoridad nitong Lunes ang itinuturong suspek sa magkahiwalay na insidente ng pambobomba at pagsunog ng bus sa North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Ali Akbar, na nadakip sa Purok 3, Barangay East Patadon, Kidapawan City dakong alas-5:00 a.m.

Ayon sa pulisya, si Akbar ang salarin sa pagbomba sa Yellow Bus Line noong Enero 27 at sa pagsunod sa isa pang bus ng parehong liner noong Hunyo 3.

Apat katao ang napatay sa dalawang magkahiwalay na insidente.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang improvised explosive device (IED), isang blasting cap, mga gamit sa paggawa ng IED at isang watawat ng ISIS.

Ayon sa awtoridad, si Akbar ay kabilang sa grupong Dawlah Islamiya-Hassan at itinuturing na eksperto pagdating sa paggawa ng IED at mga bomba.

Nahaharap siya ngayon sa mga kasong murder at multiple frustrated murder. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?