34

Oct 13, 2021 @ 19:23
By

Salamat sa seatbelt! Raymond ligtas nang bumangga tsikot

Maayos ang lagay ni Raymond Gutierrez matapos maaksidente habang nakasakay sa kotse sa Los Angeles, California kamakailan.

Sa kanyang mga Instagram story kinuwento ni Raymond ang nangyari at ibinahagi rin niya ang napinsalang harap ng sinasakyan niyang kotse.

“Still shaken up,” saad sa kanyang IG story. “My Uber driver got into an accident. Good thing I was wearing a seat belt during the impact. Just happy to be safe [because] it could’ve been a lot worse.”

Aniya, isang itim na kotse ang namali ng dinaanan habang binabaybay ng kanyang sinasakyan ang lane na naka-green light.

“This was the other car who turned from the wrong lane while we were green, making the impact strong. Stress,” dugtong pa niya.

Dahil nakaligtas, pinayuhan ni Raymond ang mga kapwa motorista na ugaliing magsuot ng seatbelt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?