531

By

Salamat Korea! Norwood, Barroca nagparamdam kay Ratliffe bago ang laro

Dahil sa pagkapanalo ng South Korea kontra Lebanon sa huling window ng 2019 Fiba Asia World Cup qualifiers, muling makakabalik sa international stage ang Team Pilipinas.

At tila gumana ang bati nina Gabe Norwood at Mark Barroca sa dating PBA import na si Ricardo Ratliffe, na ngayon ay naturalized player na ng SoKor.

Saad sa tweet ng sports journalist na si Chuck Araneta, nag-good luck aniya sina Norwood at Barroca kay Ratliffe na tila pinapaalala na kailangan nilang manalo kontra Lebanon para makapasok ang ‘Pinas sa 2019 Fiba World Cup.

Tila ginanahan naman si Ratliffe, na may Korean name na Ra Guna, tumapos ng may 23 points at 13 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?