28
views

Salamat, Galedo papadyak sa PRUride PH 2018

Sharing is caring!

Pamumunuan nina Southeast Asian Games gold medalists Mark John Lexer Galedo at Marella Vania Salamat ang men at women elite cast sa Pru Life UK’s PRUride PH 2018, umpisa sa sunod na linggo, Enero 11 sa Subic at Bataan at Enero 21 sa McKinley West sa Taguig City.

Libreng patalaan sa kanilang official website http://PRUride.PH!— ang naghihintay para sa Union Cycliste Internationale (UCI) license holders sa men at women elite, men at women under-23 at men at women junior categories para sa PRUride PH Professional Road Race.

Maliban sa nakatayang karangalang suot ang national champion’s jersey na ihahatag ng sanksyong Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), ang national federation sa sport, pagpapawisan ang kabuuang premyong cash higit P1 million ay maibubulsa ng top finishers sa lahat ng kategorya, dagdag pa ang tsansang makabiyahe sa Prudential RideLondon 2018 sa Huly, libre lahat.

Ang champions sa men at women elite categories kapwa sa PRUride Professional Road Race at PRUride Criterium ay tatanggap ng tig-P50,000, habang sa men under-23 category winners sa lahat ng races ay mag-uuwi ng tig-P20,000. Ang premyo sa men elite races larga hanggang 20th place na ang ikalawa at tersera puwesto ay kukubra ng P25,000 at P15,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang 136-kilometrong road race para sa men at 120-km para sa women elite at men juniors ay magkasabay na ipapadyak sa Enero 12 sa rutang umpisa at tapos sa Subic Bay Exposition and Convention Center (SBECC). Kasama sa ruta ang mabagsik na akyatin sa Mount Samat at ubos-hanging sikaran sa maburol na Morong sa Bataan.

Ang individual time trial (ITT) sa lahat ng kategorya, gayunman ay nakatakda kinabukasan, Enero 13 sa may 30-km (professionals) o 15-km course (amateurs) dun din sa out-and-back course sa SBECC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?