46

By ,

Saladua pakilala agad sa Tigers

Nasakmal agad ng last season runner-up Davao Occidental Tigers ang una nitong panalo sa Lakan Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nang paamuhin nito ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines, 84-82, Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Bumandera para sa Tigers ang bagong recruit nito na si Chester Saladua na may 15 points at pitong rebounds sa kanyang pangalan habang umayuda naman si Billy Robles ng 14 markers at pitong rebounds.

“When we started practice – we’ve only been together a couple of days now and you can tell we’re gonna be along together, we just need time,” sabi ni Tigers coach Don Dulay.

“They understand what we want, they’ve been understanding each other at this point. A win is a win and I’ll take it but we still have a lot to work on.”

Naramdaman din ang pag-init ng mga bagong dagdag sa tropa na si Yvan Ludovice na may 11 points habang may 12 markers si Marco Balagtas.

Dikdikan ang laban simula sa first half bagong umalagwa sa third ang Davao at naiposte nito ang 58-52 sa pagpasok ng fourth canto.

Nagawa pang manakot ng Zamboanga sa huling minuto ng fourth nang maitabla nito sa 82 ang laro sa likod ng tres ni Harold Arboleda pero naingat ng crucial paint ni Saladua ang laro 84-82.

Hawak ang huling 7.2 seconds sa regulation may pagkakataon pa sana ang Zamboanga na manakaw ang panalo pero mintis ang dalawang tres ni Raffy Reyes kasabay ng pagtunog ng buzzer.

Nanguna para sa Zamboanga si Arboleda na may 24 points, 17 points ay mula sa fourth, at 10 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?