91

Feb 15, 2020 @ 15:25

Sakto sa Valentines! John Lloyd, Bea naghugutan in public

Paniguradong nabuhay muli ang mga fan ng tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Araw ng mga Puso.

Paano kasi’y muling nagkasama ang dalawa para sa event sa Ayala Triangle sa Makati, na parte ng Art Fair 2020 Philippines.

Nagbatuhan ng hugot lines sina Bea at John Lloyd sa harap ng mga kinikilig na fan para sa live script reading ng 2014-hit movie na ‘That Thing Called Tadhana’.

Sa isang eksena pa na pinost ng Instagram account ng Star Cinema, marami ang napahiyaw sa palitan ng linya na tungkol kay John Lloyd.


Sina Lloydie at Bea ay sumikat dahil sa tambalan sa ‘One More Chance’, na nagka-sequel pa na ‘A Second Chance’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?