9,561

By

Sakto pa sa b-day ni JuneMar! Wells, Santos nagkainitan; Tubid, Nabong nagsapakan sa SMB practice

Hindi matapos-tapos ang problema sa import ng San Miguel, kung dati ay si Renaldo Balkman ang nakatapat ni Arwind Santos, ngayon naman ay si Dez Wells.

Ayon sa mga nakasaksi, nagkaroon umano ng kiskisan sina Santos at Wells matapos magbigay ng matigas na pick ang una na kinabagsak ng import.

Nagkaroon ng bangayan ang dalawa ngunit hindi naman nagpang-abot, ngunit bigla umanong umentra si Ronald Tubid at sinapak si Wells.

Dito na nagsimula ang engkwentro ng rumesbak si Kelly Nabong at sinapak si Tubid.

Dahil sa sapakan ay sinabihan umano ang mga fan na umalis muna sa practice para maayos ang pagkakainitan ng ulo ng kanilang mga manlalaro.

Matatandaan na pinalitan na ni John Holland si Wells, ngunit hindi impresibo sa unang laro para sa Beermen na kumamada lang ng 10 points at 10 rebounds.

Ito pa ay kasabay ng birthday ng kanilang star player na si June Mar Fajardo na pinagdiriwang ang kanyang ika-30 birthday ngayong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?