13

Oct 5, 2020 @ 21:36
By

Saksi sa abuso! Obispo nabahala sa papataas na suicide case sa kabataan

Naalarma ang Roman Catholic Diocese of Legazpi sa pagsirit ng mga kaso ng depression at suicide sa mga kabataan sa Albay habang may pandemyang COVID-19.

“Regrettably, there were about nine youngsters that have died by committing suicide, and several others attempted to do so in Albay,” sabi ni Bishop Joel Baylon sa kanyang homilya sa misa kahapon, Oktubre 4.

“Carefully look into your child’s behavior. Are there changes in their moods? Do they exhibit sadness and sense of helplessness? These are symptoms that need to be treated,” aniya pa.

Pinunto ng obispo na nakaapekto sa mental health ng maraming bata ang polisiyang stay at home laban sa pagkalat ng COVID-19.

Dahil din aniya sa mga lockdown kaya maraming kabataan ang na-expose sa domestic violence at sexual abuse sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.

Samantala, ayon sa pulisya, ang bilang ng mga nag-suicide sa Camarines Sur mula Marso hanggang Agosto 2020 ay halos 30 katao na.

May nilunsad na hotline para sa mga mamamayang may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may hinaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay:

National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines
Mobile: 0917-899-8727
Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?