158

Jun 12, 2019 @ 11:06
By

Sakripisyo ng mga ninuno, ‘wag sayangin – Duterte sa Araw ng Kalayaan

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Pangulo ang sambayanang Pilipino na huwag kalimutan ang sakripisyo ng mga ninuno para makamit ang kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhang mananakop.

Ito aniya ang pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil natuldukan ang mahigit tatlong siglo na pagiging sunud-sunuran sa mga dayuhan at natagpuan ng mga Pilipino ang tamang direksiyon para sa bansa.

“I am one with the Filipino people in commemorating the Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence,” ayon kay Duterte.

It was the most significant event in our country’s history. Not only did we put an end to more than three centuries of subservience but we also resolved to determine the course of our own destiny as a nation,” anang Pangulo.

Gayonman, sinabi ng Presidente na mabigat ang naging kabayaran ng pagkamit ng kalayaan dahil dugo at pawis ng mga ninuno ang naging kapalit nito.

Dahil dito, marapat lamang na pahalagahan ang naging sakripisyo ng mga ninuno at huwag hayaang mabalewala ang kanilang pangarap na magkaroon ng tunay na malayang Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ay malayang makapamuhay ng ligtas sa isang matatag at masaganang lipunan.

“Let us commit ourselves to ensure that their sacrifices have not been in vain and that their dream of a truly independent Philippines — whose people live freely in a secure, stable and prosperous society. –will be achieved within our lifetime,” dagdag pa ng Pangulo.

Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Duterte ang pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Miyerkules sa kampo ng 6th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Malabang, Lanao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?