90

Jun 15, 2021 @ 19:53

Sakit sa ulo: EZConsult planong kasuhan ni Belmonte

Balak kasuhan ng Quezon City government ang pamunuan ng EZConsult application na ginagamit para makapagparehistro sa COVID-19 vaccination ang mga residente ng lungsod.

Kasunod ito ng pagbuhos ng mga reklamo laban sa app.

Ayon sa eZConsult na pinangangasiwaan ng Zuellig Pharma, nagloko ang kanilang online application dahil na rin sa dami ng mga nagpaparehistrong gustong pabakuna.

Binigyan naman ni Mayor Joy Belmonte ang kompanya ng ultimatum na ayusin ang sistema hanggang nitong Biyernes.

“We can file charges o damages… sa dami ng sakit sa ulo na binigay nila sa amin. Kaya nga natin kinuha para mabilis at maayos ang system,” anang alkalde sa ABS-CBN report.

Sa kanilang Facebook page, humingi ng paumanhin ang eZConsult sa abala sa kanilang app.

Umaasa silang makukumpleto ang isinasagawa nilang system upgrade ngayong araw.

Bilang bahagi anila ng kanilang maintenance at upgrade process ay isinara muna ang kanilang site na www.ezconsult.io.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?