336

Jun 18, 2019 @ 10:24
By

‘Sakit sa lipunan!’ Ethel Booba agree kay PBB housemate Sky tungkol sa mga stereotype

Sang-ayon si Ethel Booba sa birada ni PBB Otso housemate Sky sa kapwa housemate na si Mae dahil sa pamumuna nito sa kaniya at pamimilit na siya ay bakla.

Sa isang episode ng PBB Otso nagsalita si Sky tungkol sa paulit-ulit na pagdududa ni Mae sa katauhan ni Sky.

“Stereotype si Mae e, stereotyping. So pag hindi pasok dun sa masculine na pananaw niya, bakla ka. Ano yan e, sakit yan sa lipunan,” saad ng tila napipikon nang si Sky.

Sa isang Twitter post ay naglabas naman ng pahayag si Ethel Booba hinggil sa usaping ito.

“I agree actually sakit natin tong lahat sa lipunang ito. Kapag di pasado sa panlasa natin ang masculinity ng isang lalaki pag-iisipan natin na gay or bi sila. Sabihin natin na ally tayo ng LGBT pero tayo nagdown sa kanila sa pamamagitan ng pag-out. Charot!” ani Ethel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?