858
Pagkuha ng clearance bago dumaan sa PH, kinontra ng Chinese Embassy
By

Sakit na pumatay ng milyon-milyong katao, nagbalik sa China

Ginagawa na ang lahat ng mga awtoridad para makontrol ang pagkalat ng disease na nagresulta noon ng “Black Death” kung saan nasawi ang milyon-milyong katao sa Europe at Asia taong 1347.

Dalawa katao sa China ang na-diagnose na may plague, isang delikadong disease na mabilis kumalat at kadalasang nagreresulta ng kamatayan, ayon sa CNN report.

Ang plague ay sanhi ng bakteryang Yersinia pestis. Kadalasang nagkakaroon ng plague ang isang tao kapag nakagat ng rodent flea na carrier ng plague bacterium.

Maaari itong mabuhay sa tatlong anyo: lung infection o mas kilalang pneumonic plague; blood infection o septicemic plague; at ang nakakaapekto sa lymph nodes o ang bubonic plague.

Mas common ang bubonic plague at siyang nasa likod ng epidemyang “Black Death” kung saan nasa 60% ng European population ang nabura.

Ang dalawang biktima nito sa kasalukuyan na ginagamot sa isang ospital sa Beijing ay may pneumonic form.

Nitong taon lang, may namatay nang mag-asawa sa Mongolia dahil sa plague matapos umanong kumain ng hilaw na marmot kidney.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?