4

Oct 9, 2020 @ 17:42
By

Sakit hinihintay lumala: Namamatay sa COVID madalas dead-on-arrival – Duque

Nilantad ni Health Secretary Francisco Duque na lampas sa kalahati ng mga nasasawing Pinoy sa COVID-19 ay ‘dead-on-arrival’ o patay na pagdating sa mga ospital.

Ito’y binahagi ng kalihim sa pagdinig sa Senado matapos tanungin si Duque ni Senador Joel Villanueva ukol sa bilang na 3,279 ng mga namatay sa naturang virus buhat noong October 5 ay hindi nakapagpagamot sa mga ospital.

Pinunto din ni Villanueva na maluwag pa ang 50 percent ng mga intensive care unit (ICU) kung kaya’t nababahala kung bakit hindi nadala sa ospital ang libo-libong mga pasyente.

Dito pinaliwanag ni Duque na karamihan sa mga pasyente na dinadala sa ospital ay ‘irreversible’ na ang kondisyon o hindi na kayang gamutin.

“One of the reasons I am told why there seems to be a substantial number of deaths that have not been admitted, a good number, I’m trying to have it validated, was dead-on-arrival in the various emergency rooms hospitals,” saad ng kalihim.

“This is really unfortunate because the condition of the patients once they arrive in the ER becomes irreversible. DOA (dead-on-arrival) ang malaking bilang po nito,” aniya pa.

Dinahilan din ni Duque ang umano’y kataingan ng mga Pinoy na lumalapit lang sa mga health specialist kapag malubha na ang sakit.

“Most Filipinos, especially the poor, iniintay na lang hanggang sa talagang malubhang-malubha na po ang karamdaman bago po pumunta sa ospital,” lahad pa ni Duque, kung saan sinabi din nito ang importansya ng Universal Health Care law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?