70
Sakdal sa kasong grave threat vs Trillanes, ipinagpaliban ng Korte
Feb 15, 2019 @ 14:06
By

Sakdal sa kasong grave threat vs Trillanes, ipinagpaliban ng Korte

Hindi muna itinuloy ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 47 ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa kasong grave threat na kinakaharap ni Senador Antonio Trillanes.

Nabatid na ang kaso ay nag-ugat nang harapang kastiguhin ni Trillanes si Labor Undersecretary Jing Paras sa gitna ng Senate Session Hall noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Paras na apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng tatlumpung minuto, sinabihan din umano siya ni Trillanes na yayariin na para sa kanya ang ibig sabihin ay tatapusin o papatayin.

Ayon kay Atty. Reynaldo Robles, legal counsel ni Trillanes, ipinagpaliban muna ni Judge Glen Santos ang pagbasa ng sakdal sa Senador dahil mayroon pa itong nakabinbing mosyon sa korte.

Samantala, itinakda naman ng korte sa March 29 ang arraignment kay Senador Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?