31

Nov 25, 2021 @ 16:14
By

Sakaling manalo: IATF lulusawin ni Diokno

Isang ahensyang naka-base sa sinasabi ng siyensya umano ang itataguyod ni Atty. Chel Diokno bilang kapalit ng Inter-Agency Task Force (IATF) para tugunan ang pandemya, sakaling siya ay manalong senador sa 2022.

Ayon kay Diokno, mas kailangan ng isang ahensya gaya ng Pandemic Management Council na naka-depende sa siyensya imbis na IATF na pinamumunuan ng retiradong sundalo.

“Our enemies here during this pandemic are not armed soldiers,” saad ni Diokno sa wikang Filipino.

“Our enemy is a virus. So the one who should be in charge of managing the pandemic should, of course, be someone who knows issues in health, issues in science, issues in IT and technology.”

Dugtong pa ng abogado, mas naayos sana ang pagtugon sa pandemya kung lahat ng lugar sa bansa ay may council na naniniwala sa siyensya.

“Various cities have one. Some are good, but they’re not all connected,” dagdag pa nito “The approach they used is really, let’s call it, an iron hand one. We have not been able to do what should be done in a pandemic.” (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,