87

Nov 18, 2021 @ 9:39
By

Sakaling manalo: Gabinete ni Pacquiao lalagyan pastor

Bukas umano si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na magpasok ng pastor at mga maka-Diyos sa kanyang gabinete sakaling palarin sa darating na halalan.

Kilala si Pacquiao sa kanyang pananampalataya bilang Kristiyano, kaya sa pagharap sa nasa 400 pastor sa Guiguinto, Bulacan nitong Miyerkoles ay nangako ang senador ng isang gabineteng maka-Diyos sakaling siya ay manalo.

Paglilinaw ni Pacquiao, bagamat nais niyang maglagay ng pastor o taong maka-Diyos sa kanyang gabinete, iaayon pa rin niya ito sa kanilang kakayahan na mamuno o humawak ng posisyon sa pamahalaan.

“Hindi rin naman tayo basta-basta mag-appoint . . . as long as they are godly. Nararapat lamang sa posisyon niya . . . Halimbawa, boxing ang labanan, hindi mo pwedeng ilagay d’yan ’yung swimmer . . . Kumbaga, kung ano ang fit sa trabaho niya at kaya niyang gampanan, du’n natin siya ilagay dahil d’yan. Marami siyang magagawa,” saad ng senador.

Nagtapos ang pagtitipon nina Pacquiao sa pag-pray over sa kanya ng mga pastor. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?