31

Oct 5, 2017 @ 11:52

Sahod sa gobyerno, pang-taxi lang – blogger

Ibinunyag ni Thinking Pinoy blog administrator Rey John Nieto na hindi kalakihan ang tinatanggap nitong sahod sa pagiging consultant sa ahensya ng pamahalaan.
Sa hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, kinumpirma ni Nieto na bukod sa pagiging blogger, siya ay consultant ng Department of Foreign Affairs-Strategic Communications.
Sa pagtatanong ni Senador Kiko Pangilinan, inihayag ni Nieto na P12,000 kada buwan lamang ang kanyang tinatanggap mula sa DFA.
“DFA needs me more than I need them, parang alila lang kami doon,” pahayag ni Nieto.
Ang naturang pahayag ay sagot ni Nieto nang tanungin siya kung ano ang kanyang pipiliin ang pagiging blogger o consultant.
Binigyang-diin pa nito na sa kanyang imahinasyon, nakikita nya ang kanyang sarili bilang political opinion writer. (Dang Samson-Garcia)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?